Init

Friday, February 5, 2016

The Demons In Me

       


       Bata pa si Anggo ay namulat na siya sa pangit na mukha ng buhay. Naiinggit siya sa mga batang nakikita niya na nag-aaral at may magagandang kasuutan. Larawan siya ng mga kabataang napapabayaan ng mga magulang at hindi napagtutuunan ng pansin ang kalagayan. Bitbit ang sako  sa balikat na mga kalakal na napupulot sa daan, pinupulot niya ang anumang mapapakinabangan at maibebenta. Hindi niya maiwasan maawa sa sarili tuwing mapapadaan siya sa tapat ng Jollibee. Dagdag na kalam ng sikmura ang nararamdaman  niya sa tuwing itatapon ng isang crew ang tira-tira ng mga customer sa basurahan. Gusto man niyang pumasok sa loob at pulutin  ang pagkain, ngunit nahihiya siya sa kanyang kasuutan at natatakot na masita siya ng gwardiya. Sa mura niyang isipan ay naitatanong niya sa sarili. "Kelan ko kaya makikita ang sinasabi ni Melo na si Hesus? Sabi nila mabait daw siya at maawain sa mga bata, sana makausap ko siya" mun-muni niya habang nakatingin sa isang masayang pamilya na kumakain. "Siguro mayaman Siya, kasi marami daw siyang tinutulungan"
        Siya si Angelino Flores, labindalawang taon, gusgusin at patpatin. Tumigil siya sa pag-aaral sa ika-apat na baytang upang kumita kahit papaano ng may panustos sa gamot ng kanyang ina na may sakit, si Aling Lina. Natatakot siyang umuwi na walang dalang pera at pagkain, dahil makakatikim na naman siya ng latay at bugbog sa ama, si Mang Nardo. Nagisnan na niya ang kalupitan ng ama sa tuwing uuwi ito na bangag sa alak na siyang alam ni Anggo, subali't lingid sa kanya ay lulong ito sa droga. Hindi alam ni Anggo kung ano ang natapos ng kanyang ama, ang nakikita niya lang ay ang araw-araw na pagsundo ng mga kaibigan nito na nagtatrabaho sa construction. to be cont.

No comments:

Post a Comment