Chapter II
Ang Camposanto
Pinagpapawisan na si Alfredo sa pagsikad ng bisikleta. Patuloy nilang tinatahak ang kahabaan ng kalsada. Pinutol ni Alfredo ang katahimikan sa pagitan nila ni Marcia. "Ano pala ang nangyari sa tatlong bus na pag-aari ng tatay mo?" May lungkot sa mukha na sumagot si Marcia. "Nainis si tatay, ibinenta na lang. Puro disgrasya kasi ang inabot. Nitong huli nga nahulog sa bangin ang isang bus namin at may mga namatay." "Gano'n ba." sagot ni Alfredo. "Oo, malas si tatay sa mga driver na nakuha niya. Ang laki ng ginastos niya sa aksidente. kaya nagtayo na lang siya ng tindahan sa palengke."
Ilang sandali pa ay tanaw na nila ang lumang sementeryo sa dulo ng plantasyon ng tubo "Paano 'yan kung hindi ako sumundo, sinong kakaon sa 'yo?" tanong ni Alfredo. "Sino pa, di si kuya Teddy, ang panganay namin. May sarili kasi siyang motorsiklo. Alam mo naman na madalang na dumaan ang mga sasakyan pag ganitong hapon na." Pareho silang napalingon pagdaan sa tapat ng sementeryo. Mabibilang lang ang mga nitso na maayos at pag-aari ng mga maykaya sa kanilang baryo. Mga krus na kahoy na may pangalan ng namatay ang makikita. Nakabaon sa ibabaw ng kumpol na lupa, ito ang libingan ng mga mahihirap. Nagkalat ang mga bungo at kalansay sa paligid.

No comments:
Post a Comment