Chapter III
Ang Tulay
Bumaba sila bisikleta at nilakad ang kalsada na paahon sa tulay. Pagdating sa gitna ay nagpahinga sila sa gutter at nagpunas ng pawis. Tumayo si Marcia, tumanaw sa tahimik na paligid at sa ilalim ng tulay. Malinaw at malinis ang batis, mayabong at madawag ang mga puno sa magkabilang pampang. Napawi ang pagod nila nang umihip ang malamig na hangin na siya ring nagpapasayaw sa mga punong kawayan sa paanan ng tulay. Maya-maya pa ay tumayo si Alfredo at kinuha ang bisikleta na nakasandal sa gilid ng tulay. "Sa bahay ka na lang matulog Andong, bukas ka na lang umuwi, siguradong gagabihin ka sa daan pagbalik."mungkahi ni Marcia na nakasandal sa railings ng tulay. "Sa ibang araw na lang siguro nakakahiya sa mga magulang mo't mga kapatid."sagot ni Alfredo. "Sus, nahiya ka pa, kilala ka na naman nila ah. Isa pa mabait ka naman. Do'n ka matulog sa tabi ni Jonas, 'yong bunso namin" sagot ni Marcia na umangkas sa likuran ng bisikleta. "Dalian mo pagpedal, baka abutan tayo ng angelus sa daan. Isa pa kailangan ko ring tulungan si nanay sa pagliligpit ng mga paninda sa palengke"
No comments:
Post a Comment