Ang nilalaman ng mga kuwento ay halaw sa tunay na mga pangyayari at karanasan ng may akda. Ang mga pangalan at lugar ay sadyang binago upang mapangalagaan ang karapatan ng ibang tao. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya.
*********
Mt. 8.28-32
When Jesus came to the territory of Gadara on the other side of the lake, he was met by two men who came out of the burial caves there. These men had demons in them and were so fierce that no one dared travel on that road. At once they screamed, " What do you want with us you son of God? Have you come to punish us before the right time?"
Not far away there was a large herd of pigs feeding. So the demons begged Jesus "If you are going to drive us out, send us into that herd of pigs."
"Go", Jesus told them; so they left and went off into that pigs.
The whole herd rushed down the side of the cliff into the lake and was drown *********
In Nomine Patris, et Filii, + et Spiritus Sancti.... Amen.
(Sa ngalan ng Ama, at ng Anak,+at ng Espiritu Santo... Amen)
Domine, Orapronobis.
(Panginoon, Ipanalangin mo kami.)
(Panginoon, Ipanalangin mo kami.)
*********
Ang Lumang Bahay Kastila
1960, Baryo Tabuk
Alas 3:00 ng hapon nakaabang na sa gate ng St. Vincent Academy si Alfredo. Araw-araw niyang sinusundo si Marcia at hinahatid sa kabilang Baryo ng Subang Daku. Guwapo, maputi at matikas si Alfredo sa edad na dalawampu. Si Marcia ay morena, simple at matalino sa klase, kaya scholar siya at valedictorian ng graduating class ng paaralan.
“Hoy Andong, kanina ka pa ba diyan?” tawag ni Marcia na palabas ng gate. “Kani-kanina lang.” sagot ni Alfredo na nag-aya nang lumakad. “ Tara na.” Binabagtas nila sakay ng bisikleta ang mahaba, baku-bako at maalikabok na kalsada. Mula sa baryo ni Alfredo ay tatlong kilometro ang layo ng paaralan at tatlong kilometro rin ang layo pauwi sa baryo nina Marcia. Habang nasa daan ay pinag-uusapan nila ang mga nangyari sa maghapon. “Kumusta na pala ang trabaho mo sa Maynila?” tanong ni Marcia. “ Maghahanap ako ng ibang mapapasukan; mababa ang sahod, di magkasya ang kita sa pagkain ko pa lang." sagot ni Alfredo. “Gano’n talaga, natapos mo ba ang high-school mo? Usisa ni Marcia. “Next year sa Negros na ako mag-aaral, nakapasa kasi ako sa exam sa UP.” Hindi na kumibo si Alfredo at nagpatuloy sa pagsikad ng bisikleta. Nadaanan nila ang mahabang taniman ng tubo sa gawing kanan. Sa gawing kaliwa ng kalsada ay mayabong na mga puno at niyogan. Nadadaanan din nila ang paisa-isang maliit na kubo na nakatayo di kalayuan mula sa kalsada. Ilang sandali pa ay natanaw na nila ang isang lumang bahay kastila. Walang makapagsabi kung kailan pa ito naitayo. Nakatindig ito sa isang malapad na lote na nababakuran ng grill na kinakalawang na sa tagal ng panahon. Ang bubong at ilang bahagi ng kisame ay bulok na at mga tuklap. Ang mga nakapinid bintana na gawa sa capiz ay wala na sa maayos na lagay. Sa paligid ng bahay ay mga punong tuyo at mga talahib. Sa tuwing mapapadaan sila sa harap ng bahay ay nakakaramdam sila ng pangangalisag ng balahibo.

Did you know that i hand an encounter with aswangs when i was 9...
ReplyDelete